Ano nga ba ang kapalaran ng dalawang binatang 'di dapat nagtagpo, pero pinagtagpo ng tadhana?
Si Tristan, lumaki sa mundo ng yaman at karangyaan; all the luxuries in life, nasa kanya na. Pero hindi niya alam, ang perang ginagastos niya para sa luho ay mula pala sa mga taong pinagsasamantalahan ng sistemang tiwali.
Ngayong unti-unting nagigising ang kanyang pamilya sa katotohanan, handa na sana silang itama ang lahat... pero tila huli na. Ang marangyang buhay nila, naglaho na lang na parang bula.
Doon niya nakilala si Isaiah, isang binatang galing din sa mayamang pamilya, pero iba siya. Lumaki siyang may prinsipyo, at galit sa mga corrupt na pulitiko. Para kay Isaiah, walang puwang ang mga kagaya ni Tristan sa mundong gusto niyang baguhin. Pero nang mas makilala niya ito, unti-unti siyang natutong magduda sa galit na matagal na niyang kinikimkim.
Mali bang magmahal ng taong bahagi ng mundong matagal mo nang kinamumuhian?
Samahan sina Tristan at Isaiah sa isang kwento ng pag-ibig, pagkabukas ng mata, at paghahanap ng katotohanan sa pagitan ng karangyaan, konsensya, at kapatawaran.