Si Aleora Cruzette Merceline ay lumaki na may sugatang puso-isang sugat na iniwan ng ama niyang kailanman ay hindi niya napatawad. Sa paglipas ng mga taon, naging matigas ang kanyang loob at isinumpang kailanman ay hindi magtitiwala, lalong hindi iibig, sa kahit sinong lalaki.
Ngunit mapaglaro ang kapalaran. Isang lalaki ang dumating at unti-unting pinawi ang galit at takot na matagal na niyang kinikimkim. Sa bawat ngiti at turing nito, dahan-dahan ding nabasag ang pader na itinayo niya sa paligid ng kanyang puso. Ngunit bago pa man tuluyang mahulog si Aleora, bigla itong naglaho-dahil sa isang lihim na dahilan.
Pagkalipas ng ilang taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit ngayong pareho na silang binago ng panahon at karanasan, may pag-asa pa kaya para sa pag-ibig na minsang naudlot? O muling pagtatagpoin lamang ito upang tuluyang maisara ang kwento ng pusong minsang naghintay at nasaktan?