Lines Between Us

Lines Between Us

  • WpView
    Leituras 9
  • WpVote
    Votos 0
  • WpPart
    Capítulos 1
WpMetadataReadEm andamento<5 mins
WpMetadataNoticeÚltima atualização qua, set 24, 2025
Prologue Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang ugong ng bentilador na paulit-ulit na umiikot sa kisame. Sa isang sulok ng kwarto, nakaupo si Kian, hawak ang cellphone, nakatutok sa puting screen na punô ng mga salita. Doon siya mas malaya. Doon siya puwedeng maging “ErosInk” — isang pangalan na walang mukha, walang kasamang panghuhusga, walang takot. Minsan naiisip niya, kung ganoon lang sana kadali sa totoong buhay—ang magsalita nang walang kaba, ang umamin nang walang takot na pagtatawanan. Pero hindi ganoon ang mundo. Lalo na kapag ang tinitibok ng puso mo ay si Jino Vergara, ang kapitan ng varsity, ang pinupuri ng lahat, at ang taong pinakamalayong marating ng kagaya niya. Sa kabilang linya ng usapan, JV23 is typing… Saglit siyang huminga nang malalim. Walang ideya si Jino kung sino siya. At sa isang banda, ayaw niya ring malaman. Kasi dito lang sila pantay. Dito lang walang pagitan. Pero sa bawat tibok ng puso ni Kian, ramdam niyang darating din ang araw na hindi sapat ang mga linyang sinusulat niya sa dilim. Darating ang oras na kakailanganin niyang humarap—sa katotohanan, sa sakit, at marahil… sa kanya.
Todos os Direitos Reservados
Junte-se a maior comunidade de histórias do mundoTenha recomendações personalizadas, guarde as suas histórias favoritas na sua biblioteca e comente e vote para expandir a sua comunidade.
Illustration

Talvez você também goste

  • BOOK 1: AUREN VALTAROS
  • Cupid Lies
  • LOVE SCRIPT :Take One
  • THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY
  • DAMON VERGANZA
  • The Mysterious Secret of St. Madrigal University
  • BLOODY AFFECTION (COMPLETED)
  • Love At First Crush
  • Between Us
  • Sana Hindi Ka Lang Naging Ina Ko (Complete)

"The Strategist Prince" Sa loob ng Valtaros Island-isang malawak, makapangyarihan, at lihim na imperyo na pinamumunuan ng sampung tagapagmanang lalaki-dumating si Celestine Navarro, isang matalinong scholar na may tahimik na lakas at mabigat na nakaraan. Akala niya simpleng pag-aaral lang ang aasikasuhin niya dito. Hindi niya alam, ang pagdating niya ang magiging simula ng pagbagsak at pagkabuo ng isang Valtaros heir. Si Auren Valtaros, ang panganay na tagapagmana, ang pinaka-mysterious at pinaka-delikado sa sampu. Tahimik, walang emosyon, at may utak na parang armas-biktima ng isang sindikatong nag-experiment sa mga bata, bago siya mailigtas ng Valtaros family. Pinili niyang hindi magmahal, hindi magtiwala, at hindi humawak ng sinumang maaaring maging kahinaan niya. Pero lahat 'yon nag-iba nang makilala niya ang babaeng hindi niya mabasa, hindi niya makontrol, at hindi niya maiwasang protektahan. Habang unti-unting nabubuo ang koneksyon nilang dalawa, bumabalik sa isla ang sindikatong sumira kay Auren-at sila rin pala ang pumatay sa ama ni Celestine. Sa pagitan ng mga kidnapping, lihim na operasyon, takot, at pagdurog ng mga nakaraan, unti-unti silang nagiging sandalan ng isa't isa. At sa bawat hakbang na papalapit sa katotohanan, mas lumalalim ang damdamin na matagal nang iniiwasan ni Auren. Hanggang sa ang pagmamahalan nila mismo ang maging susi para tapusin ang sindikato... at simulan ang bagong yugto ng legacy ng Valtaros Empire. Isang kwento ng trauma, paghilom, takot, lakas, at pag-ibig na mas tahimik pero mas malalim kaysa sa kahit anong sigaw.

Mais detalhes
WpActionLinkDiretrizes de Conteúdo