Paano kung dumating ang araw na makilala mo na siya? Paano kung bigla nalang magbago ang mundong tinatapakan mo? Paano kung dumating yung araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? Paano nalang kung pati ang mga kaibigan mo ay kalimutan at talikuran ka na? Paano kung bigla nalang magbago ang lahat? Paano kung mapahamak sila? Makakaya mo bang iligtas sila, Kahit buhay mo na mismo ang nakataya? Paano kung bumalik ang mga nawala na sa'yo? Paano kung ang isang taong kinaiinisan mo ay makakasama mo pala sa 'Happier Ending' mo? Makakayanan mo ba ang mga pagbabagong mangyayari sa'yo at sa buhay mo? Humanda ka na sa mundong pinasok mo.