Aksidenteng nagpakasal si Elian sa isang mafia boss. Akala niya, iyon na ang pinakamalaking problema sa buhay niya. Hindi pala. Dahil unti-unti niyang minahal ang lalaking hindi marunong magmahal pabalik. Si Ezekiel Lucien Valencia. Ang lalaking handang ibigay sa kanya ang buong mundo- pero hindi ang oras, atensyon, at pusong kailangan niya. Nang mas piliin ni Ezekiel ang paghahanap ng tagapagmana kaysa ang sarili niyang asawa, tuluyan nang napagod si Elian. Kaya umalis siya. At hindi na lumingon. Ang hindi niya alam? May dala na pala siyang pinakamalaking sikreto ng buhay niya. Isang anak. Anak ng mafia boss na hindi alam na isa na pala siyang ama. Limang taon ang lumipas. At sa muli nilang pagkikita... Hindi na si Elian ang lalaking iniwan niya. At hindi na rin si Ezekiel ang lalaking kaya niyang mahalin nang walang takot. Ngayon, isang tanong na lang ang natitira: Kapag binalikan ka ng taong sumira sa puso mo... bibigyan mo pa ba siya ng pangalawang pagkakataon?
More details