Si Iya ay isang simpleng probinsyana na gustong-gustong makahanap ng trabaho para mapag-aral ang mga kapatid niya. Kaya nang i-recommend siya ng Tita niya bilang yaya ng isang mayamang pamilya sa Maynila, agad siyang pumayag - kahit hindi niya alam kung anong klaseng mundo ang papasukan niya.
Doon niya nakilala si Mr. Kyle Ace Fuestro - gwapo, mayaman, mabango, at oo... bakla. Isa siyang successful businessman na kilala sa pagiging perfectionist at maarte, pero sa likod ng mga mamahaling damit, sosyal na parties, at perfect smile niya... may tinatago pala siyang lungkot.
Habang tumatagal, hindi na lang simpleng boss-and-yaya relationship ang meron sa kanila. May asaran, may tawanan, at minsan... may kilig na hindi nila ma-explain.
Kasi minsan, kahit sa makintab at magarbong mundo, darating pa rin 'yung taong magpapakita sayo ng totoong kulay mo.