Akala ni Luna, sa set at screen lang nabubuhay ang mga kuwento. Masaya na siya sa trabaho at sa kasintahan niyang si Elian-katuwang niya sa set at sa buhay, laging maaasahan.
Isang gabi, may maliit na aklat na kung paano'y napasama sa bag niya. Bawat pahina may baybayin at maiikling tagubilin. Nang mabigkas niya ang isang salita, parang itinulak siya ng oras.
Nagising siya sa unang panahong Pilipinas bilang Datu Alunsina. Dito, inaasahan siyang tumulong sa baybayin: magpakain sa mga tao, basahin ang agos ng dagat, at magbantay sa mga "mangangalakal" na nakangiti pero may ibang pakay. Makikilala niya si Dayaw-ang lalaking nakatakdang niyang pakasalan, ang minamahal niya sa nakaraang buhay-tahimik, matatag, laging handang umalalay.
Habang unti-unti siyang nagiging bahagi ng bayan, patuloy ding bumubukas ang aklat-pahina sa pahina-ipinapakita kung bakit siya narito at kung paano siya maaaring makabalik. Sa puso niya, bitbit pa rin niya ang mga salitang iniwan sa kanya ni Elian. Kaya lalong tumitindi ang tanong: kung magbukas ang daan pauwi, tatahakin ba niya ito... o baka dito na niya natagpuan ang tahanan?
Remnant of Her Past is a Tagalog time-slip romance set on the shores of pre-colonial Philippines-tender and a little aching-about community, courage, and the words that remain even when everything else changes.
All Rights Reserved