LOVE SCRIPT :Take One

LOVE SCRIPT :Take One

  • WpView
    Reads 762
  • WpVote
    Votes 45
  • WpPart
    Parts 41
WpMetadataReadOngoing1h 43m
WpMetadataNoticeLast published Thu, Oct 2, 2025
WpInfo
Fiction
Romance
Prologue Malakas ang sigaw na gumecho sa maliit na film set ng mga estudyante. Hingal na hingal si Mika Dela Cruz habang nakatayo sa gilid, hawak ang script na parang tatlong beses nang nilamukos sa kaba. Pinapawisan siya kahit malamig ang aircon sa loob ng studio. "Assistant! Ano bang ginagawa mo?!" malamig na tinig ang umalingawngaw. Lumingon siya. At ayun-doon sa harap, nakatingin sa kanya si Adrian Velasco. Naka-itim na hoodie pa rin, seryoso ang tingin, parang wala nang mas tataas pa sa standards niya. Si Adrian. Ang stone-faced na campus director. At ang lalaking... ayaw niyang makita, pero siya ring dahilan kung bakit nanlalamig ang kamay at puso niya. "Bakit ang script nasa sahig na naman?" malamig nitong tanong. Napayuko si Mika at pinulot ang papel. "S-sorry! Nahulog lang kasi-" "Lagi ka na lang may sorry," singhal ni Adrian. Tapos biglang huminga nang malalim, umiwas ng tingin, at pinilit pigilan ang ngiti. "Pero..." Nagtagal ang tingin nila sa isa't isa. Saglit na katahimikan. Tila ba kahit ang crew ay naghintay sa susunod na mangyayari. "Bakit ba kasi siya? Bakit sa lahat ng tao, siya pa?" bulong ni Mika sa isip. Hindi niya alam kung paano nangyari. Isang simpleng pagkakamali lang noon-isang maling abot ng papel. At ngayon, heto siya: assistant ng pinakasupladong director sa buong campus. At sa hindi inaasahan, unti-unting nagsusulat sila ng script na hindi nila alam na magiging kanila.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Games of Life (Ferreira Series#1) (gxg)
  • TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE
  • TITLE: WITH YOU IN MY PERFECT WORLD
  • Paris: A night to remember
  • Cupid Lies
  • THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY
  • The Spica
  • The Mysterious Secret of St. Madrigal University

Narinig ko nalang yung mabibigat na tunog ng takong ng sapatos na papalapit na alam kong kay Eia yon. Pinaharap niya sa kaniya si Avery at sinampal. "W-why did you fvckng kissed her?!". Kitang kita sa mata niya yung sakit na hindi ko kayang makita kaya umiwas na'ko. Halos lumabas na yung ugat niya sa leeg dahil sa pagkakasigaw at frustration na nararamdaman. "I have rights, because she's my fvckng girlfriend! What's your problem? Why did you slap me? Anong karapatan mo?!." Sunod-sunod na tanong niya pabalik kay Eia. "What do you mean she's your girlfriend? Matagal na kayong hiwalay for fucksake! Right, Love?." Naghihintay siya ng sasabihin ko pero nanatili lang akong nakayuko. "L-love? Diba? Tumingin ka sa a-akin". Hinawakan niya yung pisngi ko para iharap sa kaniya pero tinulak siya ni Avery. Hindi naka lagpas sa'kin yung disappointment sa mga mata niya. Kitang kita ko yung sunod sunod na pag bagsak ng mga luha niya. Ang sakit makitang umiiyak siya dahil masayahin siyang tao e. Kung pwede ko lang sabunutan si Avery dahil sa ginawa niyang pag tulak kay Eia ay ginawa ko na, kaso masisira yung plano ko. "Don't ever touch my girlfriend again." Diniinan niya pa yung word na girlfriend kaya yung kaninang sakit na nararamdaman ni Eia ay napalitan ng galit. Gusto kong masuka dahil sa pagsabi niya ng girlfriend niya ako, but this is not the right time for that. Mamaya nalang pag pasok ko sa loob ng campus. Didiretso kaagad ako sa cr na makikita ko. it's for you to find out. gxg

More details
WpActionLinkContent Guidelines