Sa mata ng lahat, si Liam at Lilah ay isang perfect na love story ng kolehiyo - puno ng tawanan, kulitan, at mga simpleng alaala na masarap balikan. Sa piling ni Lilah, natagpuan ni Liam ang lahat ng hinanap niya: saya, inspirasyon, at dahilan para mangarap.
Ngunit sa likod ng mga ngiti at matatamis na salita, may mga lihim na hindi mabigkas si Lilah. May mga pahina ng kanyang puso na nakatago, at isang pangalan na hindi mabura kahit gaano pa siya ka-hawak ni Liam.
Kasama ng mga kaibigan nilang sina Joshua at Kaye, dadaan sila sa halu-halong kwento ng kabataan - tawanan, luha, payo, at mga hindi inaasahang sandali. Ngunit darating ang oras na mababasa ni Liam ang isang diary... at sa mga salitang iyon, guguhit ang katotohanang hindi para sa kanya isinulat ang unang pahina ng puso ni Lilah.
Isang kwento ng pag-ibig na masarap, masakit, at puno ng mga tanong: Hanggang saan ka kayang dalhin ng pagmamahal, kung hindi pala ikaw ang nasa dulo ng kwento?
#Diary
#Support
All Rights Reserved