Mia at Lara - dalawang magkaibigang hindi mapaghiwalay. Sa tawanan, sa iyakan, sa lahat ng sikreto, sila ang sandigan ng isa't isa. Pero paano kung sa likod ng mga ngiti at biro, may lihim na damdamin pala?
Si Mia, tahimik na nagtataglay ng isang pag-ibig na hindi niya alam kung kailan aaminin. Si Lara naman, abala sa bagong mundo na unti-unting binubuo kasama ang isang taong iba. At sa gitna nila, dumating si Primo at Nico - mga taong magpapakilos sa gulong ng kanilang kapalaran.
Hanggang sa dumating ang araw na hindi na kayang itago ni Mia ang totoo... at mas pinili niyang lumayo. Canada ang naging takbuhan niya, dala ang pusong sugatan at alaala ng isang pag-ibig na hindi nagkaroon ng pangalan.
Ngunit ang tadhana, laging may paraan. Sa muling pagbabalik ni Mia sa Pilipinas, haharapin niya ang nakaraan. Si Lara, sa huli, matututong aminin ang damdamin na noon pa'y pilit niyang ikinukubli. Ngunit sa pagkakataong iyon, si Mia nama'y natutong magmahal muli-hindi ng iba, kundi ng sarili.
Isang kwento ng pag-ibig na hindi natupad sa paraang inaasahan, ngunit nagturo ng pinakamahalagang aral:
Hindi lahat ng mahal natin ay para sa atin, ngunit lahat ng pagmamahal ay may kabuluhan.
"Mula Noon, Bukas at Kailanman" - isang nobelang puno ng tawanan, kirot, pagkakaibigan, at ang matamis-mapait na katotohanan ng unang pag-ibig.
Obsession #1
Elvis Craig Pendleton is an obsessive person.
His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken.
That madness pushes him to keep Ken on his arms.
And no one can touch him, even his heart and his soul.
Because Ken is now Craig's Obsession.
•ongoing