Story cover for Natanaw Sa Balintataw (Viaje En El Tiempo #2) by Sylvia_Diana
Natanaw Sa Balintataw (Viaje En El Tiempo #2)
  • WpView
    Reads 107
  • WpVote
    Votes 28
  • WpPart
    Parts 3
  • WpView
    Reads 107
  • WpVote
    Votes 28
  • WpPart
    Parts 3
Ongoing, First published Oct 01
1 new part
Cameron Chavez - Isang Photography student na may Hemophobia, bata pa lang siya ay nakaranas na siya ng malagim na aksidente sa sinasakyan niyang Bus, at magmula din 'non ay lubhang natatakot na siya sa tuwing makakakita ng dugo. Parehong doctor ang kanyang mga magulang kaya't nais din nila na maging doctor siya balang araw, ngunit ang matinding trauma niya sa dugo ang naghahadlang sa kanya upang hindi ito kunin na karera. Para kay Cameron ay may iba pang dahilan ang mga takot na nararamdaman niya bukod sa nangyaring aksidente. Sapagkat palagi niyang napapaginipan ang kung anu-anong senaryo kung saan may inaanod na babae sa malakas na alon ng dagat, may nakagapos at nakapiring sa may upuan, at higit sa lahat ay ang masaksihan ang Garrote na kung saan ay matagal nang hindi ginagamit na parusa sa modernong panahon. 

Nais niyang makakuha ng kasagutan sa kanyang mga panaginip ngunit sarado ang isip ng kanyang mga magulang sa mga ganoong bagay. Isang araw pumunta si Cameron sa isang makasaysayang lugar para sa isang subject sa kanyang degree. Sa kakahanap niya ng magandang tanawin at perpektong anggulo, ay may natagpuan siyang isang lumang camera na base sa itsura at istruktura ay masasabi niyang nagmula pa noong taong 1800's. Dala ng kuryosidad ay hinawakan niya iyon, at bigla itong nagliwanag kusa itong nagflash at kasabay din nito ay bigla na siyang napunta sa taong 1842.
All Rights Reserved
Sign up to add Natanaw Sa Balintataw (Viaje En El Tiempo #2) to your library and receive updates
or
#96fiction
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Bride of Alfonso (Published by LIB) cover
MYSTERIOUS KILLER cover
Socorro cover
Babaylan cover
Zodiac Juvenile Orphanage cover
Kadiliman At Araw cover
Crazy Girls VS Delinquent Boys cover
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) cover
M cover
Segunda cover

Bride of Alfonso (Published by LIB)

31 parts Complete

"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)