One Matcha Latte, Please!
6 parts Ongoing Hindi ko na alam kung saan ako tutungo. Ang pinakauna kong alaala ay hindi laruan, hindi tawanan, kundi pag-alis. habang kami ni mama ay patuloy na nagdurusa at siya ay masaya na sa bagong pamilya.
Sikat siya.
Masaya siya.
May bago na siyang tahanan.
Habang si mama, pinipiga ang bawat lakas para lang may maihain sa hapag, para maitulak ako pataas, kahit siya mismo ay nauupos na. Si papa naman ay nagsasaya.
Pero may isang alaala na hindi ko mabitawan. Isang batang kapitbahay na naging kaibigan ko - halos sandali lang.
Rien at Damiel ang tawagan namin noon. Para bang kami lang dalawa sa mundo. Hindi ko nalaman ang tunay niyang pangalan, hindi ko natanong.
Isang buwan lang kami pinagsabay ng oras, pero may iniwan siyang maliit na bagay na hindi ko mailibing sa nakaraan.
Isang hairclip na paru-paro, at isang damdaming hindi pa kayang tawagin sa kahit anong salita. Nangako pa siyang ako ang pakakasalan.
Lumaki ako. Nagkaroon ng bagong mga mukha sa paligid ko. Natuto akong mahalin ang iba't ibang bagay.
Nagkaroon ng mga kaibigang parang tahanan, mga online na koneksyon na naglabo at nawala, mga alaala na dumarating at lumilipas na parang ulan sa tag-araw.
Pero bakit siya, na sandali lang sa buhay ko, ang hindi ko magawang kalimutan?
Bakit siya ang binabalikan ng puso ko tuwing tumatahimik ang mundo?
Ang totoo, gusto ko siyang hanapin. Hindi bilang nakaraan na sinusubukang buhayin muli. Hindi bilang kababata lang.
Ang main goal ko ay ang mahanap siya, dahil instead of being just childhood friends...
I feel a deeper connection between us.
Yet, after those canon events. . . I found out that. . .
𝘉𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘣𝘢𝘯𝘥𝘰𝘯𝘦𝘥 𝘴𝘦𝘦𝘮𝘴 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘮𝘺 𝘵𝘳𝘢𝘥𝘦𝘮𝘢𝘳𝘬.
(𝑃𝑠. 𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑠𝑡𝑜𝑟𝑦 𝑖𝑠 𝑤𝑟𝑖𝑡𝑡𝑒𝑛 𝑖𝑛 𝑡𝑎𝑔𝑙𝑖𝑠ℎ! 🩷)