Sa isang daigdig na nababalot ng magulong kapalaran, kung saan ang bawat anino ay may kinikimkim na karahasan at ang dilim ang siyang naghahari sa trono, ang liwanag ay isang matapang na panaginip na lang.
Isang propesiya ang pumunit sa kumot ng kadiliman: May isang isisilang, ang tanging pag-asa na magsisilbing Mitsa ng Sangkatauhan. Ang taong ito ay may taglay na di-maarok na lakas-isang esensya ng purong Kabutihan, Matuwid na Katotohanan, at Hindi Matitinag na Hustisya. Siya ang huling depensa laban sa puwersang nagbabalak sakupin ang lahat.
Ngunit ang puwersa ng kadiliman ay napakalaki at mapangwasak, may kakayahang baluktutin ang kalooban at sirain ang anumang banal. Ang pagiging itinakda ay isang mabigat na pasanin.
Sa harap ng gayong kalaking kasamaan, kakayanin ba ng kanyang kadalisayan na maging sandata, o bibigay ang kanyang espiritu at magiging isa pang biktima ng kadiliman na kanyang sinumpaang tapusin?
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't.
May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao.
She has a third eye.
Hindi niya lang nararamdaman ang mga kaluluwa kundi nakikita't nakakausap niya pa ang mga ito.
Creepy yet amazing, right?
And not only that, she even has a white lady friend named, Leira.
And her "ghost" friend suggests to her the idea of being a
Ghost Detective.
Siya ang, kumbaga, "pulis" ng mga kaluluwang naliligaw ng landas.
Pero.. Sa gagawin niyang ito, marami pang nakakatakot na
Madidiskubre niya sa buhay niya at sa mga taong makikilala niya..
[Seasons: I,II,III]