Six years after AHOF conquered the K-pop world, tragedy struck.
Sa gitna ng ilaw, sigawan, at pangarap - isang aksidente ang nagbago ng lahat.
Ang lead vocalist na si JL Gaspar, nagising hindi sa ospital... kundi sa isang ibang mundo.
Isang mundo ng mga kaharian, mahika, at mga nilalang na hindi niya kailanman nakita.
Sa mundo ng Etherea, siya ay muling isinilang - dala pa rin ang kanyang puso, alaala, at mga damdaming hindi natapos...
Ngunit paano kung ang mga dati niyang kasamahan sa banda - sina Steven, Han, Jeongwo, at iba pa - ay naroon din?
At lahat sila ay may bagong katauhan, bagong tungkulin, at mga lihim na konektado sa kanyang nakaraan.
Sa mundong ito, pag-ibig ay maaaring maging sumpa, at tadhana ay hindi laging marangal.
Muling magtatagpo ang mga pusong nagkahiwalay sa liwanag ng entablado - ngunit sa ilalim ng mga anino ng 루멘라 (LUMENRA),
ang tanong:
Hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-ibig, kung pati kaluluwa mo ay nakatali sa dilim?