Habang nag-uusap kami ni Liza bigla naman may pumasok na customer at lumapit sa counter. "Good morning sir!" bati ko sa customer. Nang tumingin ako sa kanya agad akong napatitig sa mga mata niya. Nagkatitigan kami. May kakaiba akong nararamdaman at hindi ko ito maintindihan. Parang may bumabalot na malakas na aura sa kanya. Bumilis din agad ang tibok ng puso ko. Sa mga mata niya malalaman mong may bumabalot na misteryo sa kanya.
More details