
(Billion Dollar Men Series IX) Yale, a young hairstylist by day and a part-time tattoo artist by night at her friend's tattoo shop. Boyish pero straight. At wala ding pinagkaka-interesan na lalaki. Simple lang ang pangarap niya, ang makapag-ipon at makabili ng sariling property na pwedeng pagtayuan niya ng maliit na negosyo. Hindi man siya sinuwerte nang makatapos siya ng kolehiyo sa degree na tinapos, pero at least may talent siya kaya naging hairstylist siya sa isang hair salon at tattoo artist din sa shop ng kaibigan niya. Pero parang gumuho ang mundo niya nang bigla nalang may sanggol na natutulog sa ibabaw ng higaan niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga magulang ng bata dahil marami siyang mga kasamahan sa isang dorm house. Naghihikaos na nga siya sa buhay, may bata pang iniwan sa kanya na hindi naman niya kadugo. The baby was left with just small pink bag and an envelope with some cash-na hindi naman aabot ng isang buwan, at isang larawan na mukhang galing pa sa magazine at pinunit lang at may mga letra pang nakasulat sa envelope na ama daw ng bata. Nalaglag nalang ang panga niya sa gulat nang magtanong siya tungkol sa lalaki. Ito ay isang super model at bilyonaryong negosyante ng mga alak-si Easton Visconti. At hindi lang yun, sa birth certificate mismo ng bata ay mas nagulat siya nang makita na yung pangalan niya ay ang naka-rehistro bilang nanay ng bata. PLAGIARISM IS CRIME NOVEL 28: November 01, 2025-All Rights Reserved