MECHA STRIKE:"When I Became The Phantom"
26 parts Ongoing > "Isang aksidente ang bumago sa lahat."
Si Alex Dela Cruz, isang simpleng senior high school student mula sa Quezon City, ay may pangarap lang - maging pro gamer at makilala bilang isa sa pinakamahusay sa online 5v5 game na Mecha Strike.
Idol niya si Phantom Striker, ang #1 player sa buong Pilipinas, kilala sa bansag na "The Decider" at "One Hit God." Ngunit sa likod ng maskarang iyon, walang nakakakilala kung sino siya.
Isang gabi habang nanonood ng live stream ng crush niyang si Irish Cruz, ang "Queen of Strike," isang aksidente ang nangyari.
Pagmulat ni Alex... nasa katawan na siya ng mismong iniidolo niyang si Aaron Villanueva, a.k.a. Phantom Striker.
Ngayon, kailangan niyang mabuhay sa bagong mundo bilang sikat na gamer, itago ang sekreto ng kanyang pagkakakilanlan, at harapin ang mundong minsan ay pinangarap lang niya.
Pero paano kung sa bagong mundong ito... muli niyang makilala si Irish - at sa pagkakataong ito, hindi bilang fan, kundi bilang siya mismo ang lalaki sa likod ng maskara?