19 parts Ongoing Isang Nobelang Kasaysayan, Pag-ibig, at Paglalakbay sa Panahon
Sa pagitan ng mga lumang aklat at alikabok ng isang silid-aklatan sa Intramuros, natagpuan ni Maya Dela Cruz isang 3rd year history student sa Pamantasan ng lungsod ng maynila. Ang isang bagay na matagal nang nilimot ng panahon - isang antigong locket na tila may sariling pintig.
Hindi niya alam kung bakit tila hinihila siya ng kwento ng isang babae na burado sa mga tala ng kasaysayan , isang babaeng nilimot ng nakaraan- si Leonora Alonzo.
At sa isang iglap ng liwanag at dilim, si Maya ay nahulog sa panahong hindi kanya...sa taong 1896.
Dito sa bayang alipin ng dayuhan, sa mga lansangang puno ng lihim, at sa piling ng mga matang hindi niya kilala pero tila matagal nang naghihintay - kailangan niyang mabuhay sa katauhan ng isang babaeng may sariling misyon.
Misyon ng puso at Misyon para sa bayan.
Magagawa niya kayang maging si leonora? O kaya ay ipapaglaban niya ang kaniyang paniniwala? At paninindigan patungkol sa mga kababaihan? Mababago kaya ni maya ang baluktot na paniniwala?
Ngunit sa bawat pintig ng puso at paghakbang sa nakaraan, lalong lumalabo ang hangganan ng katotohanan, panaginip, at kapalaran.
Sino si Leonora?
Bakit siya dinala ng locket sa panahong ito?
At paano kung ang kasaysayang kanyang kinagigiliwan...
ay hindi na niya kayang takasan?
Isang nobelang sumasalamin sa alaala, paninindigan, at pagibig
kung may pagkakataong mahalin muli sa ibang panahon... pipiliin mo ba?
Mawawala sa alaala ang anyo ng mga bagay sa pisikal na mundo-maglalaho gaya ng alon sa dalampasigan kapag nilamon ng dagat ang kanyang bakas. Ngunit ang puso... ang puso ang magbubukas ng lihim na pintuan, magtatawid sa atin pabalik sa mga alaala. At doon, sa tahimik na sulok ng gunita, muling lilitaw ang mukha ng taong minsang naging tibok ng ating buhay.- Maya Dela Cruz