Akala ni Xynice Veloria, tapos na siya sa mundo-isang basagulera, ipinadala sa bagong unibersidad bilang parusa. Pero sa unang araw pa lang, nakasalubong na niya ang lalaking babago sa tahimik niyang buhay-Pharis Maximo de Leon, anak ng dean, matalino, misteryoso, at nakakainis sa unang tingin.
Isang maling tira ng baseball ang nag-ugnay sa kanila, at isang parusa ang naglapit. Sa ilalim ng iisang bubong, unti-unti nilang natutunang basahin ang isa't isa-mula sa galit, naging asaran, hanggang sa pag-ibig. Pero sa likod ng bawat ngiti ni Pharis, may tinatagong lihim na sisira sa mundong binubuo nila.
Nang malaman ni Xynice na may cancer si Pharis, pinili niyang manatili. Kahit masakit, kahit alam niyang sa dulo, siya rin ang masasaktan. At sa huling gabi sa ilalim ng mga bituin, habang nakasandal si Pharis sa kanyang balikat, doon natutunan ni Xynice ang tunay na kahulugan ng pag-ibig-ang magpaalam nang may kapayapaan.
"Sleep tonight, my love. I'll stay awake for the both of us."