"Nagsimula sa isang simpleng 'Hi po'.
Isang mensahe na akala niya'y lilipas lang katulad ng iba.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ang 'hi' na iyon ang naging simula ng isang kwentong hindi nila planong maranasan.
Sa kabila ng sampung taong agwat, unti-unti silang nagkalapit.
Sa bawat usapan, sa bawat tawanan... may damdaming tahimik na nabuo.
At sa lahat ng maling taong dumaan sa buhay niya, siya ang dumating na tama maalaga, totoo, at handang manatili.
Pero hindi sapat ang pagiging 'tama' sa mundong puno ng hadlang.
Panahon, edad, at mga taong hindi sang-ayon lahat susubok sa kanila.
Pero paano kung sa kabila ng lahat, pinipili pa rin nilang lumaban?
Paano kung sa bawat beses na susuko ang mundo sa kanila... mas lalo lang silang kumakapit?
Dahil minsan, hindi mo kailangan ng perpektong timing
kundi ng taong handang ipaglaban ka, kahit kailan pa dumating."
All Rights Reserved