IF ONLY YOU KNEW (KNEW SERIES #1)
26 parts Ongoing Sabi nila, time heals all wounds.
Pero paano kung hindi naman talaga nawawala ang sugat... nagtatago lang, hinihintay ang tamang oras para muling bumuka?
Si Grace, isang dalagang may mga puwang sa alaala. Si Kenji, isang lalaking pasan ang bigat ng nakaraan. Dalawang basag na kaluluwa na pinagtagpo ng tadhana, pilit na binubuo ang isa't isa kahit hindi nila alam kung hanggang saan sila aabot.
Sa mundong puno ng sikreto, kirot, at mga halimaw na nakatago sa mismong tahanan, hanggang saan kayang lumaban ang pagmamahal bago ito tuluyang masira?
Dahil minsan, ang pinaka-nakakatakot na multo ay hindi galing sa panaginip...
Minsan, sila mismo ang nakaupo sa harap mo, nagtatago sa tawag na pamilya.