Sekreto ng Dilim
Wag puro trabaho, magbakasyon ka rin.
Wag puro pera, magpahinga ka rin.
Wag puro si boss at katrabaho ang iniisip mo, ayain mo buong tropa, magbakasyon.
Akala nila simpleng bakasyon lang.
Isang weekend getaway sa lumang resthouse sa San Juan tawanan, inuman, at mga alaalang matagal nang gustong balikan.
Pero sa lugar na 'yon, hindi lahat ng lihim natutulog.
Unti-unting nagising ang mga aninong matagal nang gutom sa dugo, at isa-isa nilang mararamdaman na may kapalit ang bawat kasiyahan.
Sa pagitan ng pag-ibig, pagkakaibigan, at pagtataksil
sino ang handang isuko ang sarili para tapusin ang Sekreto ng Dilim?
All Rights Reserved