Cramus Ventura, nagsusuot ng mala-magnifying glass na salamin sa mata, inalambreng ngipin, napakamahiyain, palaging nagdadala ng rosaryo, hindi gaanong mayaman, at napakaduwag na lalake. Ngunit sa kabila ng kapintasan ng kanyang sarili ay may itinatago naman siyang V-line abs, mala-Taeyang na boses, attractive eyes, pointed nose, at higit sa lahat, kissable and VIRGIN lips. Nang dahil sa di maipaliwanag na ihip ng hangin dulot ng pulosyon sa Pilipinas ay may MGA babaeng manunuklaw kay Cramus. MGA hindi ordinaryong babae na hindi mo aakalaing may existence din pala sa earth. Tuklasin ang mga kalbaryong sinapit ni Cramus sa mga kamandag ng mga demonyitang ma-i-inlove sa kanya at kung paano siya pag-agawan ng mga babaeng parang anghel sa panlabas na anyo ngunit mga halimaw pala sa loob.