Sa pagitan ng luha at panalangin, dalawang puso ang sabay na humiling sa iisang langit.
Si Ethyl Kaye Z. Salinas , isang dalagang lumaki sa tahanang puno ng takot at sigalot, ay natutong lumaban nang tahimik-hindi para sa pag-ibig, kundi para sa kapayapaan.
Si Jay Markus E. Conception, isang binatang nawalan ng tiwala sa sarili at sa mundo, ay matagal nang naghahanap ng kasabay sa pag-angat ng buhay.
Hindi nila alam, matagal na pala silang pinagtagpo ng tadhana sa ilalim ng manipis ngunit matibay na "sinulid" ng pagkakataon.
Habang unti-unti nilang hinaharap ang kani-kanilang sugat-trauma, rejection, at pagkadapa-unti ring nagsisimulang maghilom ang kanilang mga puso, pamilya, at pananampalataya.
Sa dulo ng bawat pagsubok, natutunan nilang ang tunay na pagmamahal ay hindi laging dumarating sa pinakamasayang panahon-minsan, ito'y nagsisimula sa gitna ng pagkawasak.
At doon nila natuklasan: ang pag-ibig ay hindi tumatakas sa bagyo, ito ang nagiging dahilan para sabay ninyong lampasan ito.
Isang kwento ng pananampalataya, kapatawaran, pamilya, at pag-ibig na itinahi ng tadhana.
Echoes of Yesterday - dahil minsan, ang sagot sa panalangin ay matagal nang nakatali sa kabilang dulo ng sinulid.
All Rights Reserved