Dati, ang saya pa.
"Shems! Mag-18 na ako!"
Akala ko, kapag 18 ka na... finally, freedom.
Pwede ka nang lumabas, gumawa ng gusto mo, mabuhay on your own terms.
Pero hindi pala.
Mas malaya nga...
Pero mas mabigat.
Ngayon,
"Hala, 18 na ako."
At biglang lahat may tanong:
"Anong plano mo?"
"Anong pangarap mo?"
"Kailan ka mag-aaral?"
"Kailan ka magtatrabaho?"
"Sigurado ka ba diyan?"
Pero ang sagot ko?
"Hindi ko rin alam."
Grabe pala yung transition ng buhay, 'no?
Yung dating wala kang pake-
ngayon, hindi ka na makatulog sa kakaisip.
Noon, buong araw ka lang nakahiga sa kama-
ngayon, gusto mo pa rin humiga...
pero hindi pwede.
Kasi eto na yung punto ng buhay
kung saan bawal ka nang magkamali.
Kung saan isang maling desisyon,
isang maling liko,
pwedeng ikasira ng buong kinabukasan mo.
Nakasanayan kong maging clumsy.
Carefree.
Masaya.
Pero ngayon, kailangan daw maging "mature."
Kailangan daw "ayos sa paningin ng iba."
Kailangan daw "perfect."
Pero paano, kung hindi pa ako handa?
Paano, kung natututo pa lang ako?
Paano, kung minsan... gusto ko pa ring maging bata?
Ang hirap palang maging 18,
kapag wala kang manual,
walang gabay,
walang kasiguraduhan.
Ang hirap palang tumanda,
kung ang puso mo...
hanggang ngayon, takot pa rin.
Eto ang journey-
mula sa batang walang alam sa mundo
into 18-year-old na pinipilit maging malakas,
kahit sa totoo lang...
nagiging expert lang sa pagtatago ng takot.
Kasi sa mundong 'to,
kapag 18 ka na...
wala nang "bata ka pa."
Ang meron na lang...
"Kaya mo na 'yan."
Pero tanong ko lang...
Paano kung hindi pa?