Elainne Ghaiya L. Suarez. Sa loob ng Almeda University (ALU) Siya ang takbuhan ng mga kaibigan niyang sawi at ng mga may magulong relasyon. Kala mo eh nasa kanya ang blueprint ng pagkatao ng lahat.
Sa likod nito, matagal na niyang ninanais na maranasan ang tinatawag nilang "high school love"-yung tipong may mag-aalaga, magmamahal, at magpapadama sa kanya na siya ang pinaka-importanteng tao sa mundo.
Ngunit paano kung ang mismong lalakeng minahal niya nang sobra ay siya ring magpapatunay na hindi lahat ng "mali" ay pwedeng itama? Paano niya ipapaliwanag ang sarili niyang sakit kung ang bawat payong ibinibigay niya sa iba ay tila naging sumpa na bumabalik sa kanya?
"Kahit ang salitang 'mali', hahanapan ko ng tama. Ganoon kita mamahalin, minamahal, at kamahal."
- Elainne Ghaiya L. Suarez
Advice mula kay sistuerr El
Minsan, kailangan nating tanggapin na ang pagiging 'expert' sa pag-ibig ay hindi nangangahulugan na immune tayo sa sakit. Ang totoo, tayo 'yung mga taong mas nasasaktan kasi alam natin ang 'dapat' gawin, pero hindi natin magawa dahil ayaw nating mawala ang 'gusto' natin.
- Elainne Ghaiya L. Suarez