"Minsan, ang pag-ibig ay hindi natatapos sa isang buhay lang."
Sa bawat gabi, paulit-ulit na napapanaginipan ni Jay ang isang taong hindi niya kilala,
isang babaeng walang mukha ngunit tila kakilala ng kanyang puso.
Sa bawat paggising, dama niya ang bigat ng isang pangungulila
sa pagmamahal na tila matagal na niyang nalasap.
Isang araw, sa pagbisita nila sa kanyang Lola Hera,
natagpuan niya ang isang lumang larawan,
ang larawan ni Lolo Steven,
ang unang pag-ibig ng kanyang lola na matagal nang pumanaw.
At mula ro'n, unti-unting nabuksan ang isang lihim ng nakaraan,
isang kwento ng pag-ibig na hindi natapos,
isang koneksyong muling nabubuhay sa bagong henerasyon.
Pag-ibig, alaala, at tadhana,
isang panaginip na magbubukas ng pinto sa pag-ibig na kailanman ay hindi nawala.
All Rights Reserved