Story cover for Tawag ng Karagatan by irichellea
Tawag ng Karagatan
  • WpView
    Membaca 69
  • WpVote
    Vote 8
  • WpPart
    Bab 8
  • WpView
    Membaca 69
  • WpVote
    Vote 8
  • WpPart
    Bab 8
Bersambung, Awal publikasi Okt 19, 2025
2 bab baru
Sa isang maliit na baybaying baryo, namumuhay si Agua, isang studyante, mangingisda, at simpleng dalagang maagang namulat at sanay sa hirap ng buhay. Araw ay ginugugol niya sa pag-aaral, habang gabi naman ay sa pangingisda upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang ina at nakababatang kapatid. Hindi siya nagrereklamo-para sa kanya, sapat na ang liwanag ng buwan sa gabi, at ang mga ngiti ng kaniyang pamilya sa tuwing may pagkaing naihahain sa hapag.

Ngunit sa mismong gabi ng kanyang ika-labingwalong kaarawan, maraming pagbabagong nangyayari sa kaniyang katawan at kasabay nito'y isang mahiwagang liwanag ang bumalot sa kadiliman ng dagat. Mula sa alon ay lumitaw ang mga nilalang na hindi pa kailanman nasilayan ng tao-katawan nila'y parang sa tao ngunit sila'y may kaliskis ng isda at tinig na wari'y isang instrumentong bibihag sa kaluluwa ng isang tao. Tila isang panaginip ang mga pangyayari ngunit hindi maipagkakaila ang hiwaga ang kapangyarihang dala ng mga kakaibang nilalang. Sa kanilang mga tinig ay ipinahayag ang katotohanang si Agua ay hindi isang karaniwang dalaga, kundi ang itinakdang mandirigma ng Bathaluman ng Buwan, ang nilalang sa propesiya sa mundo ng Avatelerya. 

Gumuho ang mundo ni Agua sa pagitan ng dalawang buhay-ang mundong kanyang kinalakihan at ang kaharian na ngayon ay humihingi ng kanyang tulong at pamumuno. Sa bawat hampas ng alon, tila hinahati rin ang kanyang puso: mananatili ba siyang kasama ang pamilyang bumuo sa kanya, o susunod sa tawag ng tadhana bilang tagpagtanggol ng karagatang kanyang pinagmulan? Ang gabi ng kanyang kaarawan ay siyang naging simula ng kanyang tunay na paglalakbay-isang kwentong mag-uugnay sa lupa at dagat, sa tao at mga nilalang ng karagatan, sa pag-ibig at kapalaran. 


Date Started: October 19, 2025
Date Ended:
Status: ON GOING
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang
Daftar untuk menambahkan Tawag ng Karagatan ke perpustakaan kamu dan menerima pembaruan
atau
#77fantasy
Panduan Muatan
anda mungkin juga menyukai
Behind the Pages  oleh Lunahdy10
37 bab Bersambung
Apat na babae. Apat na sugatang kaluluwa mula sa iba't ibang sulok ng modernong mundo. Walang nakakaalam kung paano, ngunit isang mahiwagang libro ang biglang nagbuklod sa kanila. Isang librong walang pamagat. Walang pahina. Walang kwento. Ngunit sa oras na binuksan nila ito, ang kanilang mga buhay ay unti-unting naisulat... at ang mundong akala nila'y kathang-isip lamang, ay totoo pala. Sa mundo ng Ravaryn at Kestramore, dalawang haring nagpatayan dahil sa poot ang nag-iwan ng pamana sa kanilang mga anak-mga prinsipe na may dalang kapangyarihan ng hangin, lupa, tubig, at apoy. Kasama sa kanilang kapalaran ang Prinsipe ng Firesse-isang kahariang nabura sa mapa ng mundo. Ulila at walang nasasakupan, ngunit pinili ng Bathala upang maging ikaapat na haligi ng kapalaran. Ngunit sa likod ng kanilang lakas, nakatali ang isang sumpa. Kapag ang kanilang galit ay umapaw, lilitaw ang wangis ng halimaw-isang nakakatakot na anyo na maaaring pumatay ng inosente. Isang sumpa na maaari ring maging biyaya: dahil sa oras na makita sila sa anyong ito, kapalaran na ng kanilang kalaban ang kamatayan. Ngayon, ang apat na babae ay naging bahagi ng kwento ng mga prinsipe. Ang akala nila'y sila ang sumusulat ng kanilang kapalaran sa loob ng libro-ngunit ang totoo, sila mismo ang isinulat. At sa dulo ng lahat... kailangan nilang pumili: Babalik ba sila sa sariling mundo? O haharapin nila ang katotohanang maaaring sila ang susi upang iligtas-o tuluyang wasakin-ang mundong ginising nila?
anda mungkin juga menyukai
Slide 1 of 5
Rebirth of the Southern Duke's Wife cover
Song of The Rebellion cover
Perfect Duo cover
Alpha Omega (Soon to be Published) cover
Behind the Pages  cover

Rebirth of the Southern Duke's Wife

55 bab Lengkap

A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Ended: June 24, 2024