"Ang pagtakas ay kasalanan, pero ang pananatili ay bilangguan."
Ipinanganak sa ilalim ng liwanag ng buwan, si Aluna ay isang dalagang mula sa tribong Palaw'an tahimik, masunurin, ngunit may pusong sabik sa kalayaan. Itinakda siyang ipakasal kay Dawen Awid isang binata sa kanilang nayon na halos doble ang edad sa kan'ya, ito ang lalaking pinili ng kanyang pamilya upang magdala ng dangal at kapayapaan sa kanilang angkan. Subalit, labag sa kalooban n'ya.
Hindi pag-ibig ang naramdaman ni Aluna, kundi pagkakulong. Kaya gabi bago ang itinakdang araw ng kanyang kasal, pinili niyang suwayin ang kanyang mga magulang, ang kanilang tradisyon at kultura maging ang Makarerayaw o ang diyos na pinaniniwalaan ng kanilang tribo.
Tumakas siya pababa ng burol, patungo sa lungsod na hindi niya kilala, dala ang takot at pag-asa. Sa gitna ng ingay at ilaw ng siyudad, matututunan ni Aluna kung gaano kahirap mabuhay sa kalayaang hinangad niya at kung hanggang saan niya kayang ipaglaban ang sarili.
@VENCOLDASICE_2025