
Sa isang malayong sulok ng timog-silangan ng bayan, binubulong ng matatanda ang alamat ng Barko ni Maria Kakaw. Ayon sa kuwento, ang barkong ito'y lumilitaw sa ilog tuwing kabilugan ng buwan-sakay ang mga kaluluwa ng mga sundalong hindi na nakabalik sa digmaan. Ngunit sa tuwing sumasapit ang bawat dekada, nagiging mas malakas ang kapangyarihan ng Barko ni Maria Kakaw. Sinasabing handa itong kunin ang sinumang babaeng makakita sa kapitan, upang isama sa kanyang walang katapusang paglalayag sa kawalan. Kaya't sa tuwing malamig ang hangin at maulan ang gabi, nananatiling tahimik ang mga tao sa kanilang mga tahanan-binabalot ng takot sa muling pagdating ng mahiwagang barko. 11/ 11/25All Rights Reserved