Sa gitna ng ulan at katahimikan, dumating si Bebe sa puntong gusto na niyang tapusin ang lahat.
Pagod na siya. Walang nakikinig, walang nakakaintindi. O akala lang niya.
Pero bago pa man niya tuluyang isuko ang buhay, nagising siya-literal.
Ang lahat pala ay isang panaginip, ngunit sapat na iyon para mabuksan ang mga mata niya sa katotohanang may mga taong nagmamahal sa kanya, naghihintay, at masasaktan sa kanyang pagkawala.
Mula sa panaginip na muntik nang maging katapusan, natutunan niyang hindi kailanman solusyon ang pagsuko.
Dahil minsan, ang mga gabing akala mo'y huli na... ay simula pa lang ng pagbabago.