
Si Trisha Ramirez, isang aspiring writer, ay nasangkot sa isang trahedyang nagbago ng buhay niya-isang gabing nakasaksi siya ng krimen na hindi dapat niya nakita. Ang tanging ebidensiyang hawak niya ay ang dahilan kung bakit siya ngayon ay nakaratay sa ospital... walang malay. Sa kanyang panaginip, nagising siya sa loob ng sariling kwento-isang mundong siya mismo ang lumikha. Doon, kaya niyang baguhin ang takbo ng mga pangyayari, isulat muli ang mga eksena, at buuin ang mga karakter na gusto niyang makasama. Ngunit habang tumatagal siya sa mundong iyon, unti-unting nagiging malinaw na may kapalit ang bawat salitang sinusulat niya. Sa pagitan ng realidad at imahinasyon, kailangan ni Trisha pumili: manatili sa mundong siya ang may kontrol-o magising para harapin ang katotohanang maaari siyang mapahamak.All Rights Reserved
1 part