PAMILYA DE GUZMAN: THE PBB COLLAB
26 parts Complete Kahit abala't magulo ang buhay, matatag na naninindigan ang Pamilya De Guzman-pinangungunahan ng dating singer na si Klarisse at ang kanyang apat na anak: ang matalinong panganay na si Mika, ang kambal na sina Esnyr na puno ng aliw at si Shuvee na beauty queen sa puso at ganda, at ang torpeng bunso na si Will na mama's boy pero may pusong palaban.
Sinisikap nilang balansehin ang buhay, pag-aaral, at mga personal na laban-hanggang sa biglang dumating ang mga bagong kaklase na magpapagulo sa kanilang mundo: si Brent, ang mayabang pero gwapong school heir; si Dustin, ang mysterious heartthrob; si Kira, ang kontrabidang fiancée; at ang iba pang pa-fall, pa-cute, at pa-good boy na magpapakilig, magpapaiyak, at magpapasaya sa kanila.
Sa bawat kabanata, sasalubungin nila ang samu't saring intriga sa paaralan-mula sa contest, scandal, intrams, pageant, hanggang sa prom at viral PBB-themed skits. Sa bawat tawanan, iyakan, selosan, at sabayang kilig, mas lumalalim ang koneksyon nilang magkakapatid at ang pagmamahalan ng isang buo't tunay na pamilya.
Sa huli, mapapatunayan nilang ang tunay na tahanan ay hindi lang isang bubong-kundi isang pusong puno ng pag-unawa, suporta, at pagmamahal... kahit gaano pa ito kakalat o kagulo.
✨ Cover photo - CTTO