Story cover for Moonblood by Dreamgirrrl
Moonblood
  • WpView
    LECTURAS 159
  • WpVote
    Votos 3
  • WpPart
    Partes 11
  • WpHistory
    Hora 1h 5m
  • WpView
    LECTURAS 159
  • WpVote
    Votos 3
  • WpPart
    Partes 11
  • WpHistory
    Hora 1h 5m
Continúa, Has publicado oct 27, 2025
Lumaki si Lorenzo Alcantara sa pangangalaga ng kanyang yaya, si Aling Aurora Santos, habang abala ang kanyang mga magulang sa kanilang negosyo. Sa ilalim ng gabay ni Aling Aurora, natutunan niyang itago ang lihim na kapangyarihang dumadaloy sa kanyang dugo - isang lihim na hindi dapat malaman ninuman.
Samantala, ang anak ni Aling Aurora na si Amara, ay hindi naniniwala sa mga alamat o halimaw. Pero mahilig siya sa mga kuwentong pantasya - mga mundong sa tingin niya'y kathang-isip lang. Hindi niya kailanman inakalang ang mga kuwentong iyon ay mabubuhay sa katauhan ng taong pinakamalapit sa kanya.
Sa gabi ng ika-dalawampu't isang kaarawan ni Lorenzo, sa ilalim ng nakakasilaw na liwanag ng bilog na buwan, nagising ang halimaw sa loob niya - inilalantad ang tunay niyang pagkatao bilang ang huling White Wolf.
Sa gitna ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya ni Lorenzo na protektahan ang babaeng nagbibigay sa kanya ng dahilan para maging tao?
O siya mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal niya - dahil sa lahing lobo na dumadaloy sa kanyang dugo? 🐺🌕
Todos los derechos reservados
Regístrate para añadir Moonblood a tu biblioteca y recibir actualizaciones
O
#676wattpadphilippines
Pautas de Contenido
Quizás también te guste
MY ONLY CHOICE IS TO LOVE YOU! (completed) de msjoyxx0143
61 partes Concluida
Dior cooper, isang lalaking walang kinagisnang magulang. hindi nakilala ni Dior ang kanyang ama dahil nabuntis lamang ang kanyang ina sa pagka dalaga,pero sa kasamaang palad binawian ito ng buhay habang ipinapanganak siya kaya tanging lolo lamang niya ang nagpalaki sa kanya! swerte nalang dahil billionaryo ang kanyang lolo at kilalang negosyante pero ano nga ba ang gagawin ni Dior kung ang nag iisang tao sa buhay niya ay mawawala pa dahil sa isang aksidente? buhay ang binawi buhay ang kapalit pero magkaroon kaya si Dior ng konsensya sa pagpapahirap nya sa inosenteng babae? *** HASSET DOMINGO, isang simpleng tao at may payak na buhay, hindi mayaman pero may kumpletong pamilya. driver sa isang kumpanya ang kanyang ama pero sa hindi inaasahang pag kakataon habang nag mamaneho ang kanyang tatay ay nawalan ng preno ang minamaneho nitong truck at bumangga sa isang mamahaling sasakyan at dahilan para mamatay ang mga sakay nito habang buhay na pagkakakulong ang kapalit hindi kaya ni hasset tiisin ang ama na mabulok sa kulungan kaya naglumuhod ito sa apo ng namatay na bilyonaryo pumayag ang bilyonaryong lalaki kapalit ng buhay niya mawawalan siya ng kalayaan magsisilbi habang buhay sa bilyonaryo kapalit ng kalayaan ng kanyang ama pero hindi inakala ni hasset na magiging sex slave siya nito! may katapusan kaya ang hirap na dadanasin niya sa mga kamay ni Dior? *** AUTHOR IM NOT A PROFESSIONAL WRITER, BUT I'LL TRY MY BEST PARA MAGING MAGANDA YUNG STORY IF EVER MAY MALI SA PAGSULAT KO AY IGNORE NYO NALANG PO😁✌️ Ang lugar,pangyayari at pangalan ay isa lamang sa mga imagination ko. *if you want completed story May natapos po ako ARRANGE MARRIAGE PLEASE CHECK ON MY ACCOUNT🥰
Quizás también te guste
Slide 1 of 10
ALEXUS --- s. a. cover
The Secret Island cover
Love at First Crash cover
Drawn to the Dark cover
ARRANGED MARRIAGE (COMPLETED) cover
Seatmate Ko ang Red Flag cover
Not In The Blueprint cover
Lover's of the Rain (BxB COMPLETE Series )  cover
MY ONLY CHOICE IS TO LOVE YOU! (completed) cover
The Boy Whom I Love is a Vampire (Immortal Ancient Series #1) cover

ALEXUS --- s. a.

33 partes Continúa

Sang're Alena x Original Character (WLW/GXG/GL) --- Hinubog mula sa liwanag ng palad ng makapangyarihan na Bathalumang Emre, si Alexus ay ipinababa mula sa kanyang tahanan, sa Devas, papunta sa Encantadia at binigyan ng responsibilidad na mapanatili ang pag-asa at tagumpay ng mabuti laban sa kasamaan. Ngunit papaano kung kailangan niyang isakripisyo ang kanyang obligasyon para lamang sa isang diwata? Isang Sang'gre na umakit ng kaniyang damdamin? isang Encantadang kaya niyang mahalin nang higit pa sa mismong Bathaluman na kanyang pinagmulan? Pipiliin nya bang bitawan ang mundo, o bitawan ang kaniyang mundo? --- !! PAALALA !! - Ang 'Encantadia' ay isang mitolohikang mundo na hindi ko orihinal na gawa. - Nanggaling ang fantaserye na ito mula kay Suzette Doctolero. - Tanging si ALEXUS lamang ang nagmula sa aking malikhain na kaisipan. ---