Akala ni Cyrene, simple lang ang buhay niya bilang college student, hangga't niya nakilala si Hiro, ang suplado, tahimik, at misteryosong boardmate na parang laging may sariling mundo.
Sa simula, puro inisan, asaran, at mga awkward na eksena lang sila. Pero habang tumatagal, unti-unti niyang napapansin na may kung anong kakaiba kay Hiro.
Kasabay ng mga bagong kaibigan, at mga lihim na unti-unting lumalabas, napilitan si Cyrene na harapin hindi lang si Hiro, kundi pati ang sarili niyang puso.
Kaya nga ba sa gitna ng gulo, pwede pa rin bang tumibok ang puso mo sa taong akala mong pinakainis mo?