
Isang koleksiyon ng mga liham at tula na isinulat sa gitna ng mga tahimik na umaga, habang sinasabayan ng mainit na kape. Ito ang aklat na naglalaman ng mga saloobin, alaala, at damdamin na kadalasan ay nalilimutan sa gitna ng ingay ng araw. Bawat pahina ay nagbubukas ng isang bintana sa mga personal na pagmumuni-muni-mula sa matatamis na pag-ibig at paghanga na tila isang bulaklak na namumukadkad, hanggang sa mga pait ng pag-iisa at pananabik na kasimbilis ng paglamig ng kape. Ito ay mga sulat at berso na inihahandog sa mga taong minahal, sa mga sandaling nakaraan, at sa mga pangarap na tinatanaw.All Rights Reserved
1 part