Story cover for Leonora sa Alabok ng Guho  by AndreaCornilla
Leonora sa Alabok ng Guho
  • WpView
    Reads 52
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 4
  • WpView
    Reads 52
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 4
Ongoing, First published Nov 01
2 new parts
Sa bayan ng Calapan, noong panahon ng mga Kastila pa lamang ang namamahala sa bansa, si Leonora Francesca Benitez na isang mestiza española ay isinilang na may bingot, isang kapintasang itinuring ng kanyang pamilya at ng mga tao bilang sumpa. Naging madilim na bahagi ng kanyang pagkatao ang kanyang labi na animo'y isang labi ng kuneho. Itinago sa likod ng mga kurtina ng kanilang hacienda, at natutunan mabuhay sa katahimikan, hanggang sa makilala niya si Lorenzo Cojuangco, isang mestizo sangley na magpaparamdam sa kanya ng unang pag-ibig... at unang pagtataksil.

Malupit ang mundo kay Leonora. Itinago siya ng kanyang mga magulang, at pinalitan ng ibang tao na kayang ipagmalaki ng mga ito. Naglaho siya na parang bula at wala man lang naghanap. Sinubukan niyang mabuhay pa, subalit puro kabiguan ang hatid ng buhay sa kanya.

Hanggang sa isang mahiwagang babae na si Aine, ang naghandog sa kanya ng isang regalo bago niya tuluyang wakasan ang kanyang buhay.

Ngunit ano ang kanyang gagawin sa isang handog na dinala siya sa hinaharap, sa taong 2025 na magulo, makabago at magpapabago sa takbo ng kanyang mundo?
All Rights Reserved
Sign up to add Leonora sa Alabok ng Guho to your library and receive updates
or
#301family
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Segunda cover
El Gobernador General De Mi Corazón cover
M cover
HYPERSOMNIC: Eviona cover
LIGAW NA TALA: Lost in 1888 [UNDER EDITING] cover
Isang Babae, Isang Beki, at Isang WHAT IF?! cover
The Bored Marquis Daughter Is Marrying The Duke cover
One Last Student cover
Socorro cover
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) cover

Segunda

28 parts Complete

De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025