44 parts Complete May mga kwento kasing nagsisimula sa isang sulat. Isang simpleng papel na may tinta ng damdaming pilit ikinukubli. Sa una, akala mo kilig lang - secret admirer, kilig sa hallway, ngiti mula sa malayo.
At totoo naman, ganoon nga ang simula.
Araw-araw ay may lihim na mensahe. Tahimik lang siyang nagpaparamdam. Sa pagitan ng libro, sa ilalim ng mesa, sa gitna ng katahimikan. Hanggang sa ang pusong sanay magmahal nang patago, ay natutong tumugon.
At doon siya nagsimulang umasa.
Na siya na nga.
Na siya ang pinili.
Na siya ang sinusulat.
Na siya... ang tinutukoy.
Pero sa bawat kwento ng pag-ibig, laging may hindi inaasahan.
At madalas, hindi 'yung umaamin ang tunay na may dahilan.
Minsan, ang pinakamatagal nang tumitingin...
siya rin palang pinakamaraming tinatago.
Ito ang kwento ng isang pusong pinili magmahal sa katahimikan.
Ng isang pusong natutong tumugon.
At ng isang katotohanang hindi isinulat sa kahit anong sulat.