En cours d'écriture, Publié initialement févr. 01, 2013
Isa ka ba dun sa mga taong sinasabi nilang playboy? O di kaya naman ay playgirl?
Yung sinasabi nilang nagpapaiyak ng babae. Worst, lalake.
Heart breaker ika nga nila.
Ako kasi ..
OO.
Isa ako sa mga taong hindi sineseryoso ang isang relasyon.
Isang taong laro laro lang ang lahat ng bagay para sa kanya.
Yung bang tipong hindi iniiyakan ang mga EX pero siya tong iniiyakan.
Ang sama no?
Pero hindi ko naman din sinadyang maging ganito e.
Nangyari lang naman to ng nagmahal ako ng totoo.
Pero in the end nasaktan lang ng todo.
Maalis nga tayo sa tinatawag nilang LOVE.
Ikaw? Naniniwala ka ba sa tinatawag nilang KARMA?
Good man or bad. Naniniwala ka?
Ako, nung una hindi. Pero nung naranasan ko, parang meron nga talagang karma na tinatawag.
Ang hirap pala nun. Ang sakit. SOBRA!
Kung naniniwala kayo sa lahat ng yan. Or kung naranasan niyo na rin ang mga yun.
Samahan niyo ko sa kwento ng buhay pag-ibig ko.