Kapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwedeng mas gusto mong kasama mga lalaki kasi NAPAKA komplikado ng mga babae? Ako si Scylla, kung di lalaki, mga boyish na mga babae ang mga kaibigan ko. Kung may manligaw man, depende yun sa kanya kung kakayanin niya ako. Sa buhay, madami na akong nakasayaw na mga taong naging mahalagang parte ng buhay ko... Pero may isang taong, sa isang sayaw pa lang, nabago na yung takbo ng buhay ko.