"Anong araw na ba ngayon?" Wala na akong maalala kung anong araw na ba ngayon or anong taon na ba... nawala na ang ma asul na kalangitan at maluntiang mga halaman sa paligid; napalitan ito ng nagsisiliyabang mga apoy at tila walang kabuhay buhay ang makikita mo dito. Hindi na makakatulog ng mahimbing sa lakas ng pagsabog ng mga bomba sa kabilang lungsod. Hindi ko na alam kung ilan na lang kami ditong buhay pa, o nakatakas na sa madugong labanan na ito. Mag isa lang akong malaya pa rin? nagtatago sa isang madilim na sulok ng medyo hindi giba gibang kwarto ng isang lumang gusali, sumulyap ako sa maliit na bintana. "Kailangan ko na pala umalis!" Wala na ang dating mundong tinitirahan namin; napalitan ito at naging isang malawak na battleground. Nag umpisa ang lahat sa "La Magico" tournament sa aming paaralan kung saan maglalaban laban ang mga malalakas na grupo sa amin. Halos buong lungsod ang ginawang 'arena' para sa okasyong yun kaso... nagkagulo ang lahat dahil sa isang pagsabog sa kabilang dayo. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo palayo. umiilag sa mga bala ng baril na tinututok sa akin... hanggang..sa.. bumagsak ang aking kataawan. At sa pagtatapos nito ay ang pagbabad sa akin sa asul na kemikal sa loob ng isang masikip na garapon. 'Day 235' La Magico War B by: Anynomous Supernatural