Panganay at nag-iisang lalaki si Carlo Dino sa magkakapatid. Marunong at may talento siya kaso ang problema: Wala siyang kaibigan. Mahina ang Social skills niya at madalas siyang mabully nung kabataan niya hanggang eskwelahan. Kaya nagkaroon siya ng trauma lalo na sa huling eskwelahang pinanggalingan niya. Dahil naranasan niyang mapagtulungan ng buong sa klase sa loob ng isang taon. Kaya inilipat siya ng magulang niya sa pampublikong paaralan ng Ramon Magsaysay Cubao High School nagbabakasaling mababago at magkakaroon ng improvement sa "social skills" niya. Sa eskwelahang iyon nakilala niya ang numero unong delingkwenteng si Allan Valenzuela, Ang Gwapo at magalang na si Ronald Urbano at ang komedyante at babaerong si Hector Valencia. Mabago kaya ang takbo ng buhay eskwela niya kasama ang tatlong ito? Ano nga ba ang leksyon na hindi itinuturo sa libro o curriculum ng eskwelahan?
*Author's note: Bagama't ang kwentong ito ay "REBOOT" ng totoong kwento naming makakaibigan mga 20% ng nilalaman ng kwentong ito ay totoong nangyari saming magkakaibigan noong nasa High School pa kami. Ang ibang mga taong involve ay tinanggal o binago ang pangalan upang maiwasan ang problema. Ang lahat ng kwento na lalabas dito ay lalabas sana as Comic series pero dahil meron na akong Comic novel na iniintindi sa Hollowpoint Comics ay napagdesisyunan kong gawin na lang nobela dito upang mapagbigyan ang mga kaibigan ko na gustong mabasa ang kwento na ginawa ko tungkol sa kanila.Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang