Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Elijah?
Campus crush, Mr. Mabait, matalino, gwapo, sweet, at laging handang tumulong sa kahit na sino. Basically, siya 'yung tipo ng lalaking may sariling background music tuwing makikita mo siyang nalalakad sa harap mo.
Pero sa likod ng mga ngiti at achievements niya, isang bagay lang naman ang gusto niya, ang i-acknowledge siya ng sarili niyang pamilya. Isang bagay na kahit gaano siya kagaling, hindi niya makuha.
Akala niya, gano'n na lang talaga ang buhay, at wala ng saysay na subukan pa.
Hanggang sa nakilala niya si Jamie, ang transfer student na may resting maldita face, rumored bully, at certified do-not-disturb aura.
Who would've thought na isang aksidente lang ang magpapabago ang takbo ng buhay nilang dalawa?
Now, everyone thinks Elijah is in love.
Pero para sa kaniya, hindi love 'to...Siguro? O baka naman... hindi pa?
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na pinaghihirapan lahat ng meron siya. Being the only girl in a family full of guys, nasanay na siya na kung gusto niyang makuha, kailangan niyang pagtrabahuhan. And because of this, she grew up tough. She already accepted the fact that guys are just too intimidated to even give her a second glance. She'll always be too smart, too confident, too much for everyone.
One day, she had this overwhelming feeling of sadness. She looked around and saw that everyone around her has someone by their side... Everyone has someone to embrace... Siya? Libro lang ang kayakap.
She used to be fine with the idea of being alone... alone, not lonely.
But not anymore.
She needed someone to stop her from feeling so lonely.