The Tilted Head Man

The Tilted Head Man

  • WpView
    Reads 12
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 1
WpMetadataReadOngoing<5 mins
WpMetadataNoticeLast published Sat, Nov 15, 2025
Sanay na si Alden sa mga gabing pauwi siya nang mag-isa-yung tipong pagod na pagod ka na sa kakacheck ng papers, pero wala kang choice kundi umuwi sa parehong madilim at tahimik na kalsada. Lagi niyang iniisip na normal lang 'yon. Routine. Lalo na kung teacher ka at sanay ka nang uuwi nang lampas alas-onse. Pero nung isang gabing basa ang hangin sa ambon, may napansin siyang kakaiba sa ilalim ng poste na kumikislap-kislap, parang hirap na ring mabuhay. Nando'n siya. Isang nilalang na hindi niya ma-describe nang maayos. Matangkad. Payat. Naka-itim na parang nilulon ng anino mismo. At ang ulo... nakatagilid sa anggulong hindi dapat ginagalaw ng leeg ng kahit sinong tao. Napahinto si Alden. Napakapit sa payong niya. Sinabi niya sa sarili, Pagod ka lang. Mata mo lang 'yan. Huwag kang praning. Pero bago pa siya makahinga nang maayos, bigla itong nawala. Kasunod no'n, may malamig na hiningang dumampi sa batok niya-at nang lumingon siya, nando'n ulit 'yung nilalang. Mas malapit. Mas mali. Bukas ang bibig, pero walang laman. Walang labi, walang ngipin. Parang puwang lang na humihigop ng init sa paligid. Simula no'n, hindi na siya tinigilan. Sa daan pauwi. Sa hallway ng apartment. Sa silid na pinipilit niyang gawing "safe space." Lagi niya itong nakikita sa mga sulok na hindi naaabot ng ilaw-mga sulok na dati naman niyang hindi pinapansin. Isang anino. Isang presensya. Isang tingin na hindi niya nakikita, pero ramdam niya sa balat, sa batok, sa bawat hinga. At habang tumatagal, unti-unting nare-realize ni Alden ang bagay na matagal niyang inaayawan isipin: Hindi niya lang basta "nakita" ang nilalang na 'yon. Hindi ito imahinasyon. Hindi pagod. Hindi stress. Sinusundan na siya ng tilted man.
All Rights Reserved
#6
storyrecommendation
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • ESTRANGHERO
  • My Father Obsession ( Step father)    Complete ✅
  • BEAT OF LIES (COMPLETED)
  • DAMON VERGANZA
  • MAGYAWEN: Forbidden Love
  • Almost, always
  • LA LUNA SANGRE (The Blood Moon)
  • BOOK 1: AUREN VALTAROS

Pinili ni Talia na manirahan sa maynila at kalimutan ang lugar na kinalakihan. Sa probinsya ng kanyang mga magulang pati ng pinakamamahal niyang lola. Marami mang magagandang bagay at ala-ala na dahilan para manatili siya ay lamang parin ang lungkot at nakuha niyang sakit sa puso na dahilan ng tuluyan niyang paglisan sa lugar na yun. Mga alaala sa mahal niyang mga magulang pati narin sa lola niya na namayapa na. Ngunit sa paglipas ng maraming taon, nagpasya si Talia na bumalik muli sa lugar na pinili na niya sanang kalimutan ng malaman nito ang nangyari kay Celia, hindi niya tunay na kapatid. Anak ito ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Subalit hindi man tunay na kadugo ay labis ang pagmamahal niya para sa kinikilalang kapatid. Agad-agad siyang umuwi ng malaman na naaksidente ito. Pero ganun nalang ang inis niya ng malamang hindi totoo ang aksidenteng nangyari sa pilyang kapatid, palabas lang pala nito yun. Nagalit siya dito dahil hindi magandang biro ang balitang nakarating sa kanya at dahil doon, nagpasya siyang bumalik na sana ng maynila pero dahil sa hindi niya ito matiis. Ayaw man niya, nagpasya siyang manatili nalang muna doon kahit na mga isang linggo dahil narin sa pamimilit nito lalo pa't darating narin ang nalalapit na kaarawan nito. Subalit sa pagbabalik at sa pananatili niya, unti-unti niyang malalaman na ang dating payapa na lugar na kinalakihan ay mayroon palang nakakakilabot na nagaganap sa kasalukuyan. Kasabay nun, makikilala niya ang isang misteryusong lalaki na laging nagpapakita at siyang makapagbibigay ng kakaibang takot sa kaniya. Kasabay ng pagkakatagpo ng landas nila ng lalaki malalaman niya ang katutuhanan tungkol sa totoong dahilan ng pagbabalik niya sa lugar na yun na makakapagpabago ng paniniwala at tiwala niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. I'm not professional author, writen is just a hobby that i really enjoy! Votes and comment are highly appreciated. Dont forget to click the follow button. Thank you!✨💕

More details
WpActionLinkContent Guidelines