She's My Color ay isang kwento ng dalawang kaluluwang pagod, naliligaw, at unti-unting nawawala sa bigat ng mundo-hanggang sa matagpuan nila ang isa't isa sa gitna ng kawalan.
Si Soul, isang taong patapon, pagod, at halos wala nang rason para mabuhay, ay muling nagkaroon ng kulay nang dumating si Euna sa buhay niya. Siya ang naging liwanag sa dilim, ang pahinga sa magulong araw, at ang dahilan kung bakit muling tumibok ang puso niyang halos sumuko na.
Dito ipapakita kung paano unti-unting binago ni Euna ang mundo ni Soul-kung paanong ang isang ngiting matagal nang naglaho ay bumalik dahil sa kanya. Makikita rin dito kung gaano kalalim, katapat, at kasakit magmahal si Soul; at kung hanggang saan siya dadalhin ng pag-ibig na minsan lang dumating pero kayhirap bitawan.
Kung gusto mong kiligin, ma-inspire, at umiyak nang sabay-sabay... halika.
Ito ang kwentong magpapaalala sa'yo na minsan, kahit gaano tayo kaligaw, may taong itinakda para muling kulayan ang mundo natin.
Tous Droits Réservés