Si Axel ay isang sikat na racing rider na nasa rurok ng tagumpay, ngunit ang lahat ay biglang nagbago nang ma-comatose siya matapos ang isang kahina-hinalang aksidente. Ngayon, isa na lamang siyang kaluluwang hindi matahimik, naglalakbay upang hanapin ang pumatay sa kanya. Sa kabila ng kanyang kalagayan, may isang tao na nakakakita sa kanya-si Camille, isang simpleng dalaga na may kakaibang kakayahan. Sa kanilang pagsasama upang hanapin ang salarin, unti-unting nabuo ang isang damdaming mahirap pigilan. Pero paano magkakaron ng pag-asa ang isang pagmamahalan kung ang isa'y buhay at ang isa'y isang kaluluwa? Handa ka bang isugal ang lahat para sa taong alam mong hindi na maaaring maging iyo?
Mais detalhes