"Minsan, isang simpleng message lang ang kailangan para magbalik ang lahat-ang kilig, ang alaala, at ang tanong na... bakit nga ba hindi kami naging kami noon?"
Dalawang dating magkaklase noong junior high school-si JL at si Mae-pareho nang abala sa trabaho at may sariling mundo. Pero isang post lang ang nagbalik ng koneksyon na matagal nang natabunan ng panahon.
Pareho silang may tinagong feelings noon, pero walang umamin. Ngayon, habang binubuksan muli ang lumang chat thread, may chance pa kaya silang buuin ang love story na hindi nila nasimulan?
O mauulit lang ang pagiging torpe, pag-aalinlangan, at ang "sayang" na pareho nilang kinatatakutan?
Isang kwento tungkol sa mga damdaming matagal nang nakakulong - at kung paano minsan, isang "hi" lang ang kailangan para mabuksan muli ang lahat.