Alam niya ang mga insecurities ko, every curve, every flaw na kinaiinisan ko sa sarili ko. Alam niyang galit ako sa katawan ko, na madalas kong sabihing I hate myself. Pero siya, lagi siyang nandoon para paalalahanan akong hindi ko kailangan mahiya.
"Voluptuous ka kaya. Nakakainis!" Yan ang lagi niyang bulong kapag naririnig niyang tinatawag kong 'mataba' ang sarili ko. Paulit-ulit niyang sinasabi iyon, kasunod ng isang misteryosong, "Kung alam mo lang..."
At syempre, kapag tinatanong ko kung ano ba ang dapat kong malaman, bigla niyang babaguhin ang usapan.
𝑵𝒐𝒃𝒚𝒆𝒎𝒃𝒓𝒆 26, 2025
𝑴𝒂𝒚 𝒂𝒌𝒅𝒂: 𝑹.𝒀.𝑳
Hak Cipta Terpelihara