𝘞𝘩𝘦𝘯 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘪𝘴 FORBIDDEN, 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘣𝘦𝘤𝘰𝘮𝘦𝘴 𝘢 CRIME.
Isang babaeng minsang binali at iniwan-ngayon ay isang panganib na hindi na kayang takasan.
Pagkalipas ng tatlong taon, muling lumapag si Amara sa Pilipinas hindi bilang pusong durog, kundi bilang babaeng kayang magwasak. Sa gabing sinalubong siya ng neon lights ng Makati, isang ngiti ang bumalik sa kanyang labi-ngiting punô ng mga lihim at paghihiganti.
Sa Midnight Bloom, ang luxury lounge na siya mismo ang nagmamay-ari, nagtagpo muli ang kanilang mga mata. Si Tyron, na minsang nagpasakit at nag iwan ng matinding sakit hindi lamang sa kanyang puso kundi pati na sa buo niyang pagkatao, ay natigilan nang makita ang babaeng akala niya'y hindi na babangon, babaeng inakala niya'y patay na at hindi na muling babangon mula sa himlayan. Ngunit ngayong nakasuot siya ng itim na silk dress na parang kasalanang nakahabi sa balat... hindi na siya ang Amara na iniwan niya.
At doon nagsimula ang kwento-sa isang halik na kasing tamis ng alaala, pero may kasamang pait ng paghihiganti.
Sa likod ng ngiti ni Amara, may tinatagong plano. Sa likod ng bawat pagbalik ni Tyron sa lounge, may nabubuong kasalanan. At sa gabing bumuhos ang ulan at nagtagpo sila sa penthouse... may isang lihim na ibinabaon si Amara sa dilim.
Hindi lamang puso ang nais niyang bawiin-kundi ang lahat ng bagay na inagaw sa kanya at ang hustisyang hindi niya nakamit noong panahon na siya alipin pa ng kahirapan.
At ngayong bumalik siya.
Wala nang makakapigil sa larong, siya mismo ang may hawak ng mga patakaran.
All Rights Reserved