
Sa pagtapak muli ni Himari sa bansang Pilipinas ay binihag siya ng mga guerilla. Pinangunahan ito ni Lieutenant Francisco Flores, upang magsilbi sanang pain laban sa mga sundalong Hapones at mailigtas ang mga kababaihang bihag sa garrison. Bilang isang mapagmahal na anak ng isang Kolonel na si Tetsuo Asano, ikinubli ni Himari ang kaniyang tunay na pagkatao. Sa takot na ring gamitin siya ng mga ito laban sa kaniyang ama. Sa pananatili niya sa kampo ng mga Pilipino, doon niya natagpuang muli ang kaniyang kababatang matagal nang iniibig. Maibabalik pa kaya ang kanilang dating samahan, kahit na silang mga hapones ang dahilan ng malaking digmaan? _____ Language: Filipino, Japanese and English Book Cover by: Yours truly 🌻 Started date: December 05, 2025All Rights Reserved